Janette Garin : "Nagkamali Ako , Pero Hindi Po Ito Desisyon Na Ako Lang, "

December 09, 2017



Dating Health secretary, iginiit na hindi nagsimula sa termino niya ang usapan sa bakuna vs dengue

'May kinalaman sa makinang gumagawa ng bakuna ang pakikipag-ugnayan sa Sanofi Pasteur'

Dating pangulo, gustong imbitahan sa pagdinig ng House committee

Nilinaw ng dating kalihim ng Department of Health ang ilang detalye ukol sa kontrobersiya sa pagkuha ng gobyerno sa bakuna kontra dengue.

Sa eksklusibong panayam sa ABS-CBN News, sinabi ni dating Health Secretary Janette Garin na bago pa man siya umupong kalihim, gumugulong na ang usapan ng Department of Health (DOH) ukol sa bakuna kontra dengue.
"Hindi po ito desisyon na ako lang, hindi po ito sinimulan lang no'ng pagpasok ko. [In] 2014, June July, I think, [former Health] Sec. [Enrique] Ona already announced na magkakaroon ng bakuna sa dengue sa 2015, probably middle, at sinabi niya na rin na the department is contemplating putting [the vaccine] in their public health program," ani Garin.
Tingin din ni Garin, dapat mas nabigyan pa ng konteksto ang inilabas na pahayag ng Dengvaxia manufacturer na Sanofi Pasteur ukol sa maaaring epekto nitong bakuna kontra dengue.

"Dengvaxia provides persistent protective benefits against dengue fever in those who had prior infection. For those not previously infected by dengue virus, however… more cases of severe disease could occur following vaccination upon a subsequent dengue infection," nakasaad sa pahayag ng Sanofi Pasteur.
"I understand the concern, at kailangan nga ito tutukan kasi maski kami galit na galit kami no'ng malaman namin ang announcement ng Sanofi [Pasteur], lalo na no'ng makita mo 'severe dengue'. Nanay din ako, anak ko nabakunahan din, ako nabakunahan din."
Pinabulaanan din ni Garin na ipinagpatuloy niya ang pagkuha ng bakuna kontra dengue kahit pa maraming tumutol dito.
"Hindi po totoo 'yon na maraming nag-object at pinilit ko. May mga expert, lahat kasi ngayon nagke-claim na eksperto sila e. Pero sino ba talaga ang totoong eksperto? The DOH is on top of the situation."
SOURCE : ABS,CBN

RELATED ARTICLE

Next Article
« Prev Post
Previous Article
Next Post »