Gab Valenciano on President Rodrigo Duterte: "I Respect Him And Everything That He’s Been Doing"

December 16, 2017


Kilalang kritiko si Gab Valenciano ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Panahon pa lang ng kampanya, vocal na ang anak ni Gary Valenciano sa paghayag ng kanyang opinyon at saloobin tungkol sa istilo ng pamamahala at mga pananalita ng dating mayor ng Davao City.

Pero ngayon,inamin ni Gab na nag-iba ang kanyang pagtingin kay President Duterte.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Gab ngayong Biyernes, sa DEWmocracyPH event ng Mountain Dew, sinabi nitong halos nawala na ang lahat ng kanyang alinlangan sa pangulo.



Aniya, “I believe kasi in opposition.

“I believe that opposition is a doorway to growth, di ba?

“Kasi kung wala namang kumukontra sa ‘yo, that just means na you’re not doing something right.

“So, with Duterte, he is the current president. I respect him and everything that he’s been doing.

“Maski na there are some things na I’m not for, it doesn’t matter, e.

“Kasi, at the end of the day, he’s our leader and we have to respect him.

“And so, with everything that he’s been doing so far, I’m very, very happy. I’m very impressed.

“And I cannot wait to see what else he’s about to do kasi one month pa lang naman siya, e.

“One month pa lang siya and he already has done so much, so I’m glad that he’s proven me wrong.”

NEGATIVITY. May mga nais pa ba siyang gawin ng pangulo na para sa kanya ay magandang hakbang para sa bansa?

Saad ni Gab, “You know, I think that he has the most powerful and the biggest opportunity to change the Filipino mindset.

“And one thing na na-realize ko with the Philippines is medyo ang daming negative.

“And that’s the one thing I wish the Philippines would change, the negativity.

“Kasi siyempre, pag leader ka and you’re influential, a lot of people will follow you.

“So, my point is for Duterte, if he can be that voice of change, everybody else will follow.

“So, nakikita ko naman, slowly but surely he’s trying to create that change.”

Ibinalita rin ni Gab na “back for good” na sila ng kanyang asawa sa Pilipinas mula sa ilang taong paninirahan sa ibang bansa.

PEP

RELATED ARTICLE

Next Article
« Prev Post
Previous Article
Next Post »