WATCH: OFW Na Minaltrato Ng Amo sa Malaysia, Nagpasalamat Kay Pres,Duterte

October 03, 2017
Ang ofw na minaltrato ng amo sa Malaysia na si Joramie Torres ang kaniyang mga magulang ay humingi ng  tulong sa pamahalaan, Ngayon ay  Nakapiling na ng Pinay domestic helper  ang kanyang pamilya

Nakita din na nadagdagan  ang timbang ni Jomarie na kasalukuyang nasa isang safehouse sa Malaysia sa pangangalaga ng gobyerno doon dahil na rin sa kasong isinampa niya sa kaniyang amo.

"Kay President po salamat po sa inyo sa pagtulong," ani Joramie. "Kung hindi po sa dahil sa government natin hindi po makakarating magulang ko dito. Hindi po nila ako makikita. Salamat po."
Si Joramie ay dating guro sa Pilipinas na nakipagsapalaran sa Malaysia para mabigyan ng mas magandang buhay ang kanyang  magulang.

Pero ang sinapit niya sa ibang bansa ay puro pagdurusa at pananakit ng kanyang  amo,isa sa mga pananakit na ginawa sa kanya  ay binuhusan ng kumukulong mantika.

Mula sa kasong physical injuries, itinaas na ang reklamo sa human trafficking laban sa amo ni Joramie.

"Sa ngayon ay nasa protective custody siya ng Malaysian police dahil siya nga 'yung primary witness dun sa kasong isinampa laban dun sa kaniyang employer, 'yung human trafficking," ayon kay Philippine Ambassador Charles Jose.

Sa isang  video na ipinakita habang kasama ni Joramie ang kanyang  magulang, makikita na masaya ang pamilya na ilang oras umanong magkasama. Binati niya sa video ang mga kaanak niya sa Pilipinas.


Kasama ng mga magulang ni Joramie na nagtungo sa Malaysia sina Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) head Hans Leo Cacdac at Susan Ople, ng Blas F. Ople Policy Center, isang non-government organization na tumutulong sa mga nagigipit na OFW.

"Hanggang pag-uwi ng Pilipinas may nakaabang sa kanya, ayon na rin sa direktiba ni [Labor] Secretary [Silvestre] Bello, nakaabang na mga scholarship at livelihood assistance," ayon kay Cacdac.
Nagpasalamt din si Mang Ramon sa pamahalaan ng Malaysian sa pagtulong sa kaniyang anak.
"Sa pamahalaan ng Malaysia, kami po ay nagpapasalamat at nabibigyan natin ng hustisya ang isang taong maliit na katupad po namin, lalo na po sa prime minister ng Malaysia, maraming salamat po sa inyo," ayon sa ama.

Nangako naman ang agency ni Joramie na Alpha Tomo na tutulong ito sa kaso ng OFW.

"At this point in time po, napag-usapan ng Malaysian agency at kami, ang Philippine agency, na mag-cooperate and then kumuha ng lawyer para doon sa administrative case na ipa-file namin dun sa employer," sabi ni Edna Osea, ng Alpha Tomo.

Watch Here: 
SOURCE:GMA

RELATED ARTICLE

Next Article
« Prev Post
Previous Article
Next Post »