Pres. Duterte: "Wala Ko Pakialam Sa Ratings, 16M Ang Tunay Na Ratings Ko"

October 22, 2017
Muling sinabi ni Pres. Rodrigo Duterte na wala siyang pakialam kung tumaas man o bumaba ang kanyang trust o satisfaction ratings sa SWS o Pulse Asia survey.

Sa kanyang kakatapos lang na talumpati sa Masskara Festival sa Bacolod, sinabi ni Pres. Duterte na itinuturing niyang “ratings” ang pagkapanalo niya sa nakaraang eleksyon ng milyun-milyong boto sa kanya.
Matatandaan na bumaba ang grado ng Pangulo base sa SWS at Pulse Asia survey ,pero  para sa kanya wala siyang pakialam dito,dahil ang tunay niyang ratings ay ang 16m na tao na bumoto sa kanya  .

Noong Biyernes, sinabi ni Vice Pres. Leni Robredo na isang “wake up call” daw ang pagbaba ng ratings ng mga opisyal.
Samantala, ilulunsad ngayong araw ni Davao City Mayor Sara Duterte ang isang coalition na lalaban sa mga gustong patalsikin sa puwesto si Pres. Duterte. Tatawagin ang grupo bilang “Tapang at Malasakit Alliance for the Philippines.”

WATCH HERE

RELATED ARTICLE

Next Article
« Prev Post
Previous Article
Next Post »