PNP Chief Dela Rosa: Konting Pagkamali Natin Palalakihin ‘Yan Ng Media

October 02, 2017

MANILA, Philippines – Pinaalalahanan ni Philippine National Police (PNP) Director General Ronald dela Rosa ang mga pulis-Caloocan na sumunod sa batas dahil maari raw palakihin ng media ang kanilang simpleng pagkakamali.
“Observe natin dahil konting pagkamali natin palalakihin ‘yan ng media. Sigurado ‘yan,” sabi ni Dela Rosa sa kanyang talumpati kanina sa pag-uumpisa ng 30-day retraining ng 1,143 na tinanggal na pulis-Caloocan.
Binanatan naman ni  Dela Rosa angmga taga  media dahil sa hindi raw pagrereport kapag ang namamatay sa mga operasyon ay nasa hanay ng mga pulis.
“‘Yung kasamahan natin si PO1… nasa ospital pa ngayon, ‘yung nasaksak doon sa Caloocan na-magnify ba ‘yun ng media? Hindi ‘yun na-magnify. Bakit? Hindi magandang balita ‘yun,” giit ni Dela Rosa.
Sinabi rin ni Director General Ronald Dela Rosa na sa tuwing mababatikos sila dahil sa pagkakamali ng  kapwa nila mga pulis ay nasasaktan siya at hindi niya napipigilang maging emosyonal dahil dito.
“Nilulunok ko yung pride ko every time magkakamali tayo… Hindi ako mahiya na umiyak sa harap ng tao kung ako ay nasasaktan,” sabi ni Dela Rosa.

Samantala, kahit pa man sumasailalim ngayon sa retraining ang mga nasabing pulis ay sinabi ni Dela Rosa na patuloy pa rin ang paghanga niya sa mga ito dahil sa laki raw ng mga nagawa nito para masugpo at mabawasan ang bentahan ng droga sa Caloocan.
“Masasabi ko pa rin, sa harapan nitong mga media nandito ngayon, I am still very proud of my men, of what we have done to Caloocan kahit na sabihin ninyo… na yung mga tao ko ay tarantado,” sabi ni Dela Rosa.
Gagawin ang nasabing training sa National Capital Region Police Office (NCRPO) headquarters sa Camp Bagong Diwa sa Taguig.

SOURCE: NEWS5

RELATED ARTICLE

Next Article
« Prev Post
Previous Article
Next Post »