'KAPAL NG MUKHA'| Binanatan Ni Alvarez Ang CBCP Sa Pambabatikos Nito Sa Administrasyon

October 11, 2017
MANILA,Philippines- Isang Pananabotahe ang nangyaring survey sa administrasyong Duterte kung saan ay bumagsak ang ratings ng Pangulo,

Yan ang nasabi ni House Speaker Pantaleon Alvares sa kanyang Press conference kanina.

Kinuwestiyon niya ang kakatapos lang na survey at nag-aalala siya na posibleng magamit ito ng ilang grupo para mapabagsak ang administrasyong Duterte.

Isa na daw dito ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP).
"Kasi tingnan mo iyong (CBCP) putak nang putak , may challenge pa sila, kapal ng mukha. ayusin muna nila iyong mga pari nila na kung anu-anong ginagawang kabulastugan," sabi ni Alvarez.
Matatandaan na naglabas ng pahayag ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP). na magpapatuloy-tuloy ang pagbaba ng ratings ni Duterte kung hindi niya babaguhin ang istilo ng kanyang pamumuno.
"It will continue to go down unless he shapes up, especially on issues of corruption, extra judicial killings , police impunity , and others ," sabi ni Father Jerome secillano, Executive Secretary ng CBCP committee on Public Affairs.

Tinawag pa ni Alvarez ang CBCP na makapal ang mukha at pumapatol sa mga menor de edad ang mga pari.
"Mga minor pinapatulan, ang dami nila may mga pedophiles, ayusin muna nila iyong hanay nila bago putak nang putak laban sa gobyerno," dagdag pa niya
Kailangan daw suriing mabuti ang mga tanong sa isinasagawang survey ng Social Weather Stations (SWS). Bumaba kasi ng 18 points ang net satisfaction ng pangulo. Mula kasi sa +66 na "very good", bumaba ito sa +48 na "good" rating na lang.
"Unang-una , ano ba iyong tanong, Pangalwa , saang areas ba siya bumaba? Tingnan natin kung wala bang slant ito. O hindi ba ito nagagamit para sabihin na bumaba ang tiwala kay President Duterte," sabi ni Alvarez.
Para kay Alvarez, kahit pa bumaba ang satisfication at trust ratings ng pangulo, mararamdaman pa rin daw ang pagmamahal ng taumbayan sa kanya




RELATED ARTICLE

Next Article
« Prev Post
Previous Article
Next Post »