Ex-Sec. Roxas: "Akusasyong protektor ako ng drug lord, katatawanan, fake news’

October 21, 2017
BACOLOD CITY – Tahasang tinawag ni dating Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas na katatawanan, papansin at fake news ang pagdawit ng kanyang pangalan sa negosyo ng iligal na droga.
Ito ay kasunod ng akusasyon ng self-proclaimed bagman ng Berya Drug Group na si Ricky Serenio na protektor umano ng drug lord si Roxas.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Bacolod, tumanggi si Roxas na magpa-interview ngunit nagpadala ito ng text message upang sagutin ang akusasyon.

Aniya, taktika lamang ito ng mga lokal na “kulang sa pansin” upang makuha ang atensyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na bibisita sa lungsod ng Bacolod bukas.
Iginiit rin ni Roxas na hindi nito kilala si Serenio at hindi rin nagka-transaksyon dito o sa mga Odicta.

Tutol aniya siya sa iligal na droga at patunay dito ay ang record ng mga naaresto at nakumpiskang ipinagbabawal na gamot sa mga operasyon ng Philippine National Police noong siya pa ang pinuno ng DILG.

Kilala rin umano ng mga taga-Western Visayas ang kanyang pagkatao at ugali ng kanyang pamilya kaya kampante itong hindi maniniwala ang mga Pilipino sa nabanggit na akusasyon.


Ayon kay Roxas, hindi siya maakusahan ng anumang kaso kaya binabato na lamang daw siya ng gawa-gawang kwento.

Samantala, hindi pa makakapagbigay ng komento si Sen. Franklin Drilon sa akusasyong protektor din umano siya ng drug lord dahil kasalukuyan itong nasa labas ng bansa.


F

RELATED ARTICLE

Next Article
« Prev Post
Previous Article
Next Post »