CITIZEN NATIONAL GUARD| Layunin Ng Grupo Na Protektahan si Pres,Duterte Sa Mga Umaatake Sa Kanya

October 03, 2017
Nagtipon ang ilang retiradong sundalo, military reservists, at mga Muslim representatives at ilan pang mga grupo sa Maynila kahapon para magbuo ng grupo na magpoprotekta kay Pangulong Duterte at magdeklara laban sa tinawag nilang mga "enemies of the state."
Sila ay nagsama-sama para buuin ang Citizen National Guard na pangunahing layunin umano ay protektahan ang bansa laban sa mga local at international threats at sa mga naghahamak patalsikin si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pwesto.
Ilan ang mga itinuturing "enemies of the state" ng grupo ay ang mga ISIS-inspired na terorismo; CPP-NPA; mga drug cartel; ang seditious political opposition ("Yellowtards") at mga "foreign intelligence agencies generating international support for regime change."

"Magising na tayo! Magsama-sama tayo, isa lang ang bandila natin! isa lang ang bansang Pilipinas na ito.  Huwag na tayo magpalason lalo sa ibang bansa na 'yan," sabi ni Retired Col, Herbert Escalera ng philippine Marines.
"A reaction of negative propaganda  presumably instigated by the regime change architects, specifically  CIA ang European agencies through New York Times, Washington Post,Rappler,etc. with  their foreign and local surrogates seek of President Duterte," sabi ni Antonio "Butch" Valdes ng Save the Nation Movement.


Panauhin pandangal naman si Secretart Vitaliano Aguirre at Public Attorney's Offiece Chief Persida Acosta sa Pagtitipon.


Sinabi ni Aguirre, may binubuo din siyang grupo na kapareho ng layunin ng Citizen National Guard.

"Meron din akong binuo na ganito at hopefully with this kind of organizetion, magkakabit-kabit tayo," Sabi ni Aguirre

Pinatutsadahan din ni Aguirre ang simbahan at Commission on Human Rights dahil sa umano'y pakekealam nito sa mga imbestigasyon na nagaganap sa kaso ng mga napatay na teenager.

"Matagal na pong meron tayong separation of church and state. Bakit ninyo  pangungunahan?Kayo nagtatago sa mga testigo, tulad ng kay Kian, kay Karl at kay Kulot," sabi ni Aguirre.

"Itong Tomas Bagcal, ilang linggo ninyong pinigilan ito. kung hindi pa dinemanda ni Chief Percy ay di nyo bibitawan. Naantala ninyo ,sinira niyo ang imbestigasyon ng Police, ng NBI,"  dagdag pa ni Aguirre.

Nagpasalamat naman si Acosta sa Pangulo para sa higit 300 na bagong abogadong magtatrabaho para sa Pao

"Sa january. another 357 (lawyer) so pinalalakas niya talaga 'yung PAO sapagkat ito po ay para sa mahihirap. so may malasakit siya," sabi ni Acosta

 SOURCE:News5


RELATED ARTICLE

Next Article
« Prev Post
Previous Article
Next Post »