Andanar Kay Trillanes : Huwag Ka Nang Bumalik

October 20, 2017
Tiwala ang Malacañang na hindi uubra sa Amerika ang ginagawang pambobola ni Senador Antonio Trillanes IV para pigilan si US President Donald Trump na bumisita rito sa Pilipinas.
Ito ang inihayag ni PCOO o Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar kasunod ng ulat na ikinakampaniya umano ni Trillanes na siraan ang Pilipinas sa mata ng Amerika.
Ayon sa kalihim, hindi aniya mangmang ang mga Kano para hindi malaman ang pagkakaiba ng tama sa mali kaya’t kumpiyansa silang hindi uubra ang anumang balak ng Senador.
Ngunit nilinaw ni Andanar na hindi naman nila pipigilan ang anumang balak o nais gawin ni Trillanes sa Amerika o di kaya’y maaaring huwag na itong bumalik pa ng  Pilipinas.

SOURCE

RELATED ARTICLE

Next Article
« Prev Post
Previous Article
Next Post »