Sharon Cuneta gets 'kilig' after Pres. Duterte mentioned her name

September 28, 2017
Nagpasalamat si Sharon Cuneta kay Pangulong Rorrigo Duterte dahil sa pagkakabanggit sa pangalan ni Sharon sa talumpati ng Presidente ng Pilipinas.

Una, sa talumpati niya sa 120th anniversary ng Department of Justice, sa Pasay City, noong Martes, September 26.

Nagsima ito nang mabanggit ng Pangulong Duterte ang kanyang "utang na loob" sa asawa ni Sharon Cuneta na si Kiko Pangilinan.

Ikinuwento ni Pangulong Duterte na minsan ay nahiling ng kanyang anak na si Davao City Mayor Inday Sara Duterte na makita si Sharon Cuneta.

"Pangilinan is my friend ay may utang na loob ako sa kanya" sabi ni Duterte

"Si Inday, when she was in Grade 6, Grade 5, sabi ko,' Anak, anong gusto mong birthday gift?'

"Sabi niya,; Gusto ko magkasama kami ni Sharon Cuneta."

Ang ikalawang pagkakataong nabanngit ni Pangulong Duterte si Sharon Cuneta ay sa kanyang speech sa 56th Anniversary ng Philippine Constitution Association sa pareho ring araw.

Dito ay ikunuwento ng Pangulo na tinawagan niya si Senator Kiko upang tuparin ang birthday wish ng anak na si Inday Sara.

"I had to call Senator Pangilinan. 'Senator, i owe you for doing this for my daughter. I respect you,"sabi ng Pangulo

Hindi malinaw kung ano ang nag-udyok para purihin ni Pangulong Duterte si Senator Kiko, na kabilang sa opposition party.

Hindi naman pinalampas ang pagkakataon na ito ni Sharon Cuneta para magpasalamat sa Pangulong Duterte sa pagkakabanggit ng kanyang pangalan.

Ayon sa Actress-singer na si Sharon Cuneta kinilig daw siya dahil dito.

Sabi ni Sharon sa Kanyang Facebook post ngayong Huwebes, Septenber 28:

(All politics aside-into which i have unfortunately been dragged by mere association to my Senator-hubby's work:) Thank you, Mr . President Duterte , Sir, for what you said on the news about me and my friend Mayor Inday Sara last night. May God Bless you,Sir! (So " Kilig!" Might be an inappropriate word, everyone-but hey -it's how I fell!)

 SOURCE:PEP

RELATED ARTICLE

Next Article
« Prev Post
Previous Article
Next Post »