Saab Magalona to Pres,Duterte: "Lahat nalang joke. Kadiri"

September 09, 2017


Sa sunod-sunod na balita tungkol sa patayang nagaganap kaugnay ng malawakang kampanya ng Pangulong Duterte laban sa ilegal na droga, nagbigay naman ng reaksiyon ang actree-blogger na si Saab Magalona

Noong Martes ,September 5 , sa kanyang Twitter , nag-post si Saab ng mga screen shots ng mga headline ng magkakaibang statement ni Pangulong Rodrigo Duterte at ni Philippine National Police Chief Director General Ronald 'Bato' dela Rosa tungkol sa pagpupuksa sa mga sangkot sa ilegal na droga.

Sa ginawang Senate Investigation na may kinalaman sa pagkamatay ng estudyanteng si Kian de los Santos, Noong Martes , Sinabi ni Dela Rosa " Walang sinabi si Presidente sa akin pumatay kayo ng pumatay."

Ito ay hindi tugma sa unang pahayag ni Pangulong Duterte kung saan hinimok niya ang publiko na patayin ang drug addicts.

Maikling caption ni Saab rito: "But..."

Sa pangalawa niyang post ay ini-screenshot naman ni Saab ang mga  komento sa kanyang naunang post, Kung saan sinabi ng netizens na biro lang naman itong  naging pahayag ni Pangulong Duterte tungkol sa pagpatay sa mga drug addict.
Caption niya rito: “Sobrang jirits pls LORD GIVE ME STRENGTH.”
Ang "jirits" ay gay slang para sa salitang "naiirita."
Nag-post pa ulit si saab sa kanyang  twitter account: "I mean, shall we ignore the other headlines?! Lahat nalang joke. Kadiri"




 s

RELATED ARTICLE

Next Article
« Prev Post
Previous Article
Next Post »