Pagso-sorry ni Senator Pangilinan hindi tinanggap ni Senator Sotto

September 29, 2017
Manila,Philippines - Hindi tanggap ni Senate Majority Leader Tito Sotto ang Pagso-sorry at paliwanag ni Minority Senator Kiko Pangilinan , kung bakit hindi ipinaikot o napapirma ang pitong Majority Senators sa isinulong nilang senate resolution number 516 na nanawagan sa administration Duterte na itigil ang mga kaso ng pagpatay 

Pinaliwanag naman ni Senator Pangilinan, hindi naman nila ito intensyon at lalong wala silang kinalaman sa mga kumalat na artikulo sa social media na ngayon ay bumabatikos at sinisiraan ang nasabing pitong senador.

Ayon kay Senator Sotto, Malinaw na sinadya na hindi sila papirmahin sa naturang resolusyon .

Bago pa man mai-file ang nabanggit na resolusyon ay mayroon na agad inilabas na press release tungkol dito at mayroon na ring kumalat agad na mapanirang artikulo sa Social media laban sa pitong senador.

Nais naman ni Senator Sotto na paimbestigahan ang nasabing mapanirang Artikulo kung sino ang nasa likod blog at masampahan kasong cyber libel ang nasa likod ng nasabing black propaganda.

SOURCE: RMN

RELATED ARTICLE

Next Article
« Prev Post
Previous Article
Next Post »