Ibinasura ng Korte Suprema, ang First cause of action ni Bongbong Marcos kaugnay sa 2016 polls

September 05, 2017


Manila, Philippines- Ibinnasura na ng Korte Suprema ang mosyon ni dating Sen, Bongbong Marcos kaugnay sa integridad ng automated election system noong 2016.

Ang Korte Suprema ay ang tumatayong Presidentian Electoral Tribunal (PET) sa electoral protest na isinampa ng kampo ni Bongbong Marcos na laban kay Vice President Leni Robredo.


Nilabas na ng mga abogado ni Vice President Leni Robredo na sina Maria Bernadette Sardillo at Romulo Macalintal ang kopya ng nasabing desisyon ng SC na may petsang Agosto 29.

"Even if protestant succeeds in proving his first cause of action, this will not mean that he has already won the position of Vice President as this can only be detemined by manual recount of all votes in all precincts," ayon sa desisyon ng Supreme Court

"And if this is a relief protestant has clearly stated he is not praying for, then , allowing the first cause of action to continue would be an exercise in futility and would have no practical effect,"dagdag pa dito

Matatandaan na inakusan ni Bongbong Marcos si Vice President Leni Robredo ng pandaraya sa naganap na botohan noong 2016 eleksiyon bilang pangalawang pangulo. kinuwestiyon din niya ang kredibilidad ng buong eleksiyon

Masaya naman ang kampo ni Vice President Leni Robredo sa naging desisyon ng Korte Suprema . Patuna daw ito na ang ng akusasyon ni Bongbong Marcos ay walang basehan

“We are very, very happy with the results of this resolution of the PET, because from this resolution of the tribunal, it only shows that indeed, the protest of Mr. Marcos has no basis. It is only based on some speculations and conclusions,” sabi ni Macalintal.

‘We look forward for an early dismissal of the case of Mr Marcos,” dagdag pa niya.

SOURCE:news5

RELATED ARTICLE

Next Article
« Prev Post
Previous Article
Next Post »