Faeldon Wants To Remove Sen, Trillanes As A Senator

September 25, 2017
MANILA, Philippines – Pormal nang nagsampa si dating BOC Nicanor Faeldon ng ethics complaint laban kay Senator Antonio Trillanes IV.


“Idol pa naman kita,” dismayadong sinabi ni Faeldon dahil sa ginawa ni Trillanes sa kanya bilang dating kasamahan sa oakwood mutiny noong 2003 at Manila Peninsula Siege noong 2007.

Gusto daw ni Faeldon na masuspinde o di kaya’y matanggal sa serbisyo si Trillanes matapos siyang akusahan nito na may kinalaman sa smuggling, bribery at korapsyon noong siya pa ang nakaupong Customs chief.

“Instead of heeding the sage words and guidance of the Court, Senator Trillanes turned for the worse. He became even more uncouth, even more malicious and even more indecent, improper and unethical, a terrible eyesore and a disgrace to himself and to the Philippine Senate,” nakasaad sa reklamo ni Faeldon.


Matatandaan sa isang pagdinig sa Senado tungkol sa P6.4-B shabu na nakapasok sa Pilipinas, pinaratangan ni Sen. Trillanes si Faeldon na sentro umano ng smuggling ng iligal na droga mula China.

Kasunod nito ay nagbitiw sa puwesto ni Faeldon bilang BOC chief dahil hindi na raw niya matanggap ang mga akusasyong ibinabato sa kanya ng senador.

Samantala, sa ambush interview naman ng media kanina, sinabi ni Trillanes na handa siya at hindi niya uurungan ang nasabing reklamo ni Faeldon.

“Buti naman kung ganyan ang pasya. Ituloy nila o ‘wag nila ituloy, haharapin ko ‘yan…Sa BOC ito lumusot e, sino pa bang ituturo natin? Yung nagbabantay ng gate sa Customs? Dapat siya yan. Marami nang inilabas si Sen. Lacson, sinusuportahan ko yung findings ni Sen. Lacson dahil na-va-validate niya yung aking mga findings,” sabi ni Trillanes.

“I will face that ethics complaint squarely because I believe that I did not do anything to warrant such a case. I will also not allow it to divert the focus from the real issue, that the mastermind behind the P6.4 billion shabu shipment is Mr. Paolo Duterte,” dagdag pa ni Trillanes.

SOURCE:NEWS5

RELATED ARTICLE

Next Article
« Prev Post
Previous Article
Next Post »