Dokumentong hawak ng Ombudsman kaugnay sa bank accounts ni ni P-Duterte tinawag na peke ni Panelo

September 29, 2017


Manila,Philippines - Tinawag na peke ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo ang isinapublikong dokumento ni Overall deputy Ombudsman Arthur Carandang na umano'y bilyong pisong account ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Itinanggi ng Anti-Money Laundering Council na galing sa kanila nag mga dokumentong isinapubliko ng Ombudsman.

Ang ibig sabihin lang nito ang dokumentong hawak ng Ombudsman na isinapubliko na galing daw sa umano sa AMLC ,ay hindi totoo o peke . sabi ni Panelo

Sinabi ni Panelo na naging kabahagi pa ni Senador Antonio Trillanes IV si Carandang ng magpakalat ng mga maling balita at impormasyon o fake news tungkol dito.

Sakali naman na totoo ang mga dokumento ng Ombudsman ay mali pa rin ang kanilang ginawa na ilabas sa publiko ang kanilang ginawang imbestigasyon na labag sa Code of Conduct and Ethical Standard of Public Employees and Officials.


SOURCE: RMN.PH

RELATED ARTICLE

Next Article
« Prev Post
Previous Article
Next Post »