Watch: Aguirre to Hontiveros "Dapat itigil niya ang drama niya para 'di siya tawaging drama queen,"

August 26, 2017

Pinadidistansiya ni Sen. Risa Hontiveros si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II at sinabing wag makisali sa imbestigasyon o anumang proseso kaugnay ng pagpatay kay Kian Loyd delos Santos.

Pinapainhibit ni Hontiveros si Aguirre, na ang ibig sabihin na wag makialam sa kaso ni Delos Santos

Sinabi ni Hontiveros noong Friday, ang pagpapasailalim ng mga witness protection program ng Department of Justice (DOJ) sa testigo sa pagpatay kay Delos Santos ay tila " paglagay ng tupa sa tirahan ng leon".

"In the spirit and interest of impartiality and the pursuit of justice, I demand that the Justice Secretary (Aguirre) inhibit himself from all investigations being conducted into the killing of Kian," ayon kay Hontiveros.

Kinuwestiyon naman ni Aguirre ang kredibilidad ng mga testigo, sinabi niya na maaaring ma-'brainwash' ang mga ito ng senadora

Pumayag naman si Aguirre na ma-inhibit ang sarili , basta't wag din daw dumalo ang senadora sa mga hearing ng mga senado kung saan ang kaniyang pagiging patas ay kuwestiyonable

"Anung case ang inareglo ko? Dapat itigil na niya ang drama niya para 'di siya tawaging drama queen." dagdag pa niya

Bumanat din si United Nations special rapporteur Agnes Callamard sa pagpatay kay delos Santos at sinabing "murder" ang nangyari sa binata at dapat aniyang imbestigahan ang lahat ng patayan.
Watch Here :


SOURCE: news.abs-cbn.com

DISCLAIMER: (NO COPYRIGHT INFRINGEMENT INTENTIONS. FOR SUPPORT AND EDUCATIONAL PURPOSES ONLY)

I do not own ANY of the content. Property and rights for audio/ video/image go to the OWNER. If any content owners would like their images/video removed, please Message me and I will do so. No copyright infringement intended. Copyright reserved to the respected owner(s) of this article/image/video and copyright parties.

RELATED ARTICLE

Next Article
« Prev Post
Previous Article
Next Post »