Trillanes Binuweltahan si Paolo Duterte sa Pag tawag sa kanya ng "SENADOR UGOK"

August 15, 2017


Sen, Trillanes IV Binuweltahan si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte Kaugnay sa post sa Social Media, na tinawag na "Senador Ugok" ang Mambabatas.




Sinabi ni Trillanes , na hindi niya papatulan ang ginawang pagtawag sa kaniya ng bise alkalde na Ugok. Kasabay ng larawan na nakapost sa Facebok account ng lokal na opisyal na pinapakita ang ilang miyembro ng mga Liberal Party na kasama ang negosyanteng si Kenneth Dong, na nadadawit sa P6.4-Bilyong shabu shipment na nakalusot sa Bureau of Customs at kinalaunan ay nasabat sa isang Bodega sa Valenzuela noong Mayo.

“Yung medyo kabastusan portion o yung tema ng kaniyang mensahe, hindi ko na papatulan 'yan. Pero it reflects na ito ay hindi pinalaki nang maayos ng kaniyang magulang,” Sinabi ni Trillanes

“At hindi rin ako nagugulat kasi kung bastos yung tatay, malamang bastos din yung anak,” dagdag niya. dagdag pa niya

Si Paolo ay Vice Mayor sa Lungsod ng Davao na anak ni Pangulong Rodrigo Duterte,
Bago pa nilabas ang mga larawan ng ilang kasapi ng LP na pinapakita na kasama si Dong,
May larawan muna na lumabas na kasama ni Paolo Duterte ang mga Kontrobersiyal na negosyante.

Sinabi pa ni Trillanes, Ihanda ni Paolo duterte ang kanyang sarili kung papaano sasagutin ang mga alegasyon na may kinalaman Siya sa BOC at mga iregularidad umano sa ahensiya.

“Yung kaniyang involvement sa Customs, operations, yung mga illegal activities diyan, malalim ang tinitingnan natin na anggulo rito. So maghanda siya ng papaano niya ito haharapin at sasagutin,” payo ng senador.

Sinabi naman ni Senador Panfilo Lacson na puwedeng "imbitahan" si Paolo sa ginagawang imbestigasyon ng Blue Ribbon committee tungkol sa shabu shipment, pero walang basehan para obligahin siyang dumalo sa pagdinig.

“Puwede rin tanungin kung i-elaborate ni Mark Taguba at kung may personal transaction directly with Paolo or whoever close to Paolo, puwede tanungin 'yan,” saad ni Lacson.

Matagal ng sinabi ni Pres Duterte na magbibitiw siya sa kanyang puwesto kapag may makapagpapatunay na sangkot ang anak sa anomalya.

Hinamon din ng Palasyo ang mga nag-uugnay kay Paolo kay Dong na magsampa ng reklamo sa tamang lugar.

SOURCE: gmanetwork

RELATED ARTICLE

Next Article
« Prev Post
Previous Article
Next Post »