Chief Inspector Jovie Espenido,ni-reassign na ni Pangulong Duterte sa Iloilo "Mayor Kabahan Kana"

August 27, 2017

Pangulong Rodrigo Duterte, inaprubahan na ang hiling ni Ozamiz City Police Head Chief Inspector Jovie Espenido na ma-reaasign sa iloilo.

kabilang sa listahan ang Iloilo sa kampanya kontra iligal na droga ng administrasyon. Inilarawan din ito ng Pangulo bilang "most shabulized" area sa buong bansa.

"Your next assignment is Iloilo,"sabi ni Duterte kanina sa kanyang talumpati sa selebrasyon ng Araw ng mga Bayani.

Naputol ng panandalian ang talumpati ni Pangulong Duterte at hinahanap si Espenido.

" Espenido where are you? I will ask you again , you asked for the assignment sa Leyte, namatay ang mayor doon, You ask for another assignment sa Ozamiz, namatay ang mayor," doon sabi ni Pres, Duterte

"Ngayon, gusto mo doon sa Iloilo kasi si Mabilog has been identified as a protector mayor. mabuhay kaya s'ya? Gusto ko lang tanungin kasi ako naman ang pagbintangan." dagdag pa niya
Si Mayor Mabilog ay isa sa walong incumbent mayors sa Visayas na nakalagay sa listahan ni Pangulong Duterte na umano'y may kaugnayan sa kalakalan ng droga mairiing pinabulaanan naman ito ng Alkalde.

Si Espenido ang police chief ng Albuera, Leyte nang mapatay ng otoridad sa loob ng kulungan ang pinaghihinalaan drug lord na si Mayor Rolando Espeniso noong Nobyembre 5, 2017

Noong nakaraang Disyembre 2017 naman, nalipat si Espenido sa Ozamiz at , matapos amg pitong buwan, Hulyo 30, 2017, ang Mayor na si Reynaldo Parojinog at ang 15 pang iba ay napatay ng mga pulis sa isang drug raid .

RELATED ARTICLE

Next Article
« Prev Post
Previous Article
Next Post »