Atienza: "When I was mayor, sinabi niya [Imelda] gusto kong ibalik 'yung gold dito

August 30, 2017

BUHAY party-list Representative Lito Atienza nitong Miyerkules sinabi niya na minsan nang nasabi sa kaniya ni dating First Lady Imelda Marcos na at ngayo'y siya ay Ilocos Norte Representative, na meron daw silang tinatayang 7,000 na toneladang gold bars na itinatago ng kanilang pamilya.

Ang pahayag ay ginawa ng Dating alkalde ng Maynila si Atienza . kasunod ng pagkakasabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na handa umano ang pamilya Marcos na ibalik ang sinasabing mga nakatagong-yaman .

Pero hindi isiniwalat ni Duterte kung sino sa pamilya Marcos ang nakausap niya at kung nangyari ang pag-aalok na ibaballik na ng pamilya Marcos ang mga tagong yaman.

Sa ginawa niyang pahayag sa mga mamamahayag, nasabi ni Atienza na , " When i was mayor, sinabi niya [Imelda] gusto kong ibalik yung gold dito, ibigay sa ating gobyerno para mapawi na lahat ng utang ng ating bansa."

"Sabi ko, why don't you do it? Sabi niya humahadlang ang isang superpower, hindi naman maigalaw ang gold. Nakadeposito sa maraming lugar sa buong mundo," he added.

Sa pagkakatanda ni Atienza. Sinabi umano ni Marcos na ang gold bars ay aabot ng pitong tonelada.

"Seven thousand tons? Sana this time, makuha niya yung inaalok ni Mrs. Marcos nun. Kapag inaalok ngayon ay mapakinabangan naman ng bansa ito," anang kongresista.

Makakabuting ituon ng atensyon sa pagbawi ng mga gintong inaalok ng pamilya Marcos na tagong -yaman sa halip na mga usapin na nakaugnay dito . atienza said

"Kunin na lang natin 'yung ginto at magamit ng Pilipinas dahil you can even imagine the value of those gold bars which they claim they have," ani Atienza.

"I announced it in light of all these developments, and we wish President Duterte all the best. Sayang naman ang perang 'yan. Thirty-one years have passed and wala man lang na-prosecute," dagdag niya.

Nitong Martes sa talumpati ni President Duterte na may nakausap siya na at ipinaliwanag ng kaniyang kausap na itinabi ang mga yaman para magamit sa ekonomiya kapag nakabalik sila sa kapangyarihan.

“Sabi nila, isauli nila para walang ano—and the only reason, sabi nila, was the father was just protecting the economy for the [eventuality] na umalis siya. He thought of regaining the Malacañang, that is why ganito ang lumabas na parang naitago,” ayon sa Pangulo.

napatalsik si dating Pangulong Ferdinand Marcos sa pamamagitan ng people power revolution noong 1986

RELATED ARTICLE

Next Article
« Prev Post
Previous Article
Next Post »