16 -Anyos na Tulak Umano ng Droga, suspek sa Pagpatay sa Buntis na Kabuwanan na.

August 18, 2017
Ang tinuturing na suspek sa pagpatay sa isang ina at sa sanggol sa sinapupunan nito. ay isang isang 16-anyos na tulak umano ng droga sa Quezon City. Ang hinihinalang ugat ng krimen .kulang ng P400 ang ibinayad ng kinakasama ng biktima sa kinukuhang droga .

Itinuro ng nakaligtas na si Mark James Mendevilla . Na ang 16-anyos na menor de edad bilang suspek sa pagpatay sa kaniyang kinakasama na siyam na buwang buntis na si jizelle Duay.

Nasawi din sa pamamaril ang sanggol na nasa sinapupunan ni Duay.

Ang krimen ay nangyari noong Miyerkules ng gabi sa isang kalye sa Barangay Payatas sa Quezon City

Sa ngayon hindi pa siya makapagsalita dahil sa mga tinamong sugat ni Mendevilla sa naturang pag-atake. kaya ipinasulat na lang ng mga imbestigador ang mga impormasyon na nais ibigay

"Meron pang dalawa kasama ang menor de edad nang barilin sila ng kaniyang kinakasama" ayon kay Mendevilla

Naniniwala siya na ang ugat ng pamamaril ay dahil sa kulang na 400 na ibinayad niya sa biniling droga sa suspek

Ang Menor de edad na suspek ay nagtatago. nakakulong naman ang ina ng suspek dahil din umano sa pagtutulak ng iligal na droga

Hinarap naman ni Duay ang ina ng suspek upang hikayatin na ituro ang kinaroroonan ng suspek na menor de edar.

Sinabi ng ina na hindi siya naniniwala na  sangkot sa krimen ang kaniyang anak



SOURCE:  Gmanetwork

RELATED ARTICLE

Next Article
« Prev Post
Previous Article
Next Post »