Sen.Escudero: Kumbinsido Na Walang Nagawang Treason O Pagtatraydor Sa Bansa Si Trillanes

Manila,Philippines - Sa ngayon ay wala daw nakikitang dahilan si Senator Chiz Escudero para sampahan ng Department of Justice DOJ ng kasong treason o pagtatraydor sa bayan si Senator Trillanes.

Kaugnay ito sa pagpunta ni Trillanes sa US at pakikipagpulong ni Trillanes kay Us Senator Marco Rubio kung saan kanilang tinalakay ang hinggil sa PH-US alliance, gayundin ang mga isyu na tungkol sa corruption at human rights situation sa Pilipinas.


Ayon pa kay Escudero, may kapangyarihan ang DOJ, sa pamamagitan ng National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan si Trillanes at kung may makikitang ebidensya ay maaaring ituloy ang pagsampa ng kaukulang kaso dito.

Pero duda si Escudero na papasok ito sa kasong treason.

Yan marahil aniya ang dahilan kung bakit dumistansya na rin ang malakanyang sa mga nabanggit na usapin.

Nang hingan naman ng Komento ang kasamahan sa Philippine Military Academy na si Senator Gringo Honasan ay sinabi nito na sa kanilang tradisyon ay hindi nila agad hinuhusgahan ang motibo ng kanilang mga kasamahan.

Hinihikayat din ni Honasan ang lahat ng tutukan ang  magagandang aspeto ng ating bansa at ang pagbibilang ng ating mga blessings , gayundin  ang pagpapalakas sa ating pagkakaisa.


Previous
Next Post »