Senator Sotto, Hindi Papayag Na Alisan Ng Pondo Ang Oplan Tokhang

Manila,Philippines -  Sinabi ni Senate Majority Leader  Tito Sotto na hindi niya papayagan na magtagumpay ang opposition senators na  alisin ang pondo ng oplan tokhang ng Philippine National Police.

Tugon ito ni Senator Sotto  sa naging pahayag ni Senator Bam Aquino na harangin ang P900 milyon proposed budjet para sa Oplan Tokhang.

Si Senator Sotto ay hindi kumbinsido sa inaangal ng mga kritiko ng administrasyong Duterte ,Sinabi nila na hindi daw epektibo ang war on drugs.

Ayon kay Sotto, Successful ang naging kampanya laban sa ilegal na droga ng gobyerno , kumpara sa dating administrasyon na  ayaw man lang itong  hipuin kahit pa ito ang totoong nagiging problema ng bawat lansangan sa bansa.

Nilinaw naman ni Sotto na bukas ang kahit  sino sa senador na maghain ng kaniyang pagtutol sa ilalaang budget para sa tokhang at  kakailanganing idaan sa botohan kung hindi nila ito mapag-kasunduan.


Previous
Next Post »