Pres,Duterte Tinanggihan Ang Regalong Jet Plane "MAMASAHE NA LANG AKO"

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pagtanggi sa alok ng isang tao ,upang bilihan siya ng isang pribadong eroplano ng dahil regular siyang naglalakbay sa buong bansa.

Sa isang pakikipanayam na ipinalabas sa PTV-4 Noong Biyernes (Oktubre  15), Sinabi ni Pangulong Duterte na ayaw niyang  magkaroon ng mga utang na loob sa ibang tao.

"Hindi rin ako nagtatanggap kasi ayaw ko nga magkaroon ng utang na loob. Mahirap kasi 'yan kasi matagal akong mayor. Kung meron talagang magkaproblema diyan, lalo na 'yung Presidente na ngayon, Hesus maryosep," pahayag ng Pangulo
"Anong  sabihin ko sa tao? Saan ko Kinuha 'yung pera?" dagdag pa nito. 

bagamat hindi ibinunyag ni Duterte ang magnanimous na taong nag-alok sa kanya ng jet plane, sinabi niya na sinabihan niya ito na ms gugustuhin niyang magbayad sa isang charted plane tuwing siya ay babyahe.

"Eh sabi ko,'Gusto ninyo , i-parking niyo diyan sa mga charter-charter plane, magbayad ako.' may resibo ,"ayon kay Pangulong Duterte.
Sa isang pahayag sa Davao City noong Mayo, sinabi ni Pangulong Duterte na inalok siya ng isang bilyonaryong si Ramon ang na bilhan siya ng isang pribadong jet dahil hindi daw ito ligtas na kumuha ng mga komersyal na flight para sa kanyang madalas na paglalakbay,

SOURCE

Previous
Next Post »