Pres. Duterte: I Do Not Intend To Perpetuate Myself |NAKAKAHIYA LANG


MANILA, Philippines – Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang balak magpalawig ng termino kasunod ng mga ibinibato sa kanya ng mga kritiko.

Kamakailan kasi ay nagpahayag ang pangulo na kung magpapatuloy ang umano’y mga destabilization plot laban sa kanya, magdedeklara siya ng revolutionary government.
“I do not intend to perpetuate myself. I will not shame my family for any ambition in this world. Kaya yung sinasabi nila na mag-revolutionary government ako dahil gusto kong tumagal… anak ng. Kung maaari lang. Kung pwede lang umatras eh. Nakakahiya lang,” sabi ni Duterte.

Sa totoo lang daw, hindi na raw masaya ang pangulo dahil sa hirap ng trabaho.
“If you ask me if I’m happy, I am not because of the sheer volume of work and the pressure and everything and I am old by any standard. I am 72,” sabi ng pangulo.

Matatandaang tinawag ng grupong Tindig Pilipinas si Duterte na “paranoid” at “insecure” dahil sa bantang magdedeklara ng revolutionary government.
“Only a paranoid and insecure little man afraid of losing power will rationalize the need to impose a revolutionary government upon the people,” ayon sa inilabas nilang statement.
Dagdag pa ni Sen. Antonio Trillanes, paraan lang daw ito ng pangulo para manatili sa poder at para iwasan ang mga ibinabatong isyu sa kanya.

SOURCE:NEWS5

Previous
Next Post »