Pagbibitiw Sa Pwesto Ni COMELEC Chairman Bautista, Palusot lang - Atty. Topacio

Manila,Philippines -Hindi pinalampas ng mga complainant sa impeachment case ang pagbibitaw sa pwesto ia COMELEC Chairman Andres Bautista.

Sa Presscon sa Manila ,Sinabi ni Atty Ferdinand Topacio na kahit nagbitiw na sa posisyon si Bautista ay itutuloy pa rin ang pagsusulong ng impeachment case laban sa COMELEC Chairman.

Pinaliwanag ni Topacio, hindi naman agad ang kanyang pagbaba sa tungkulin ni Bautista dahil sa December 31 taong kasalukuyan pa siya sa posisyon.

Giit ni Atty.Topacio , marami pa din umanong pwedeng mangyari gaya ng managinip siya at mayroong magsasabi sa kanyang panaginip na bawiin ang paghahain ng kanyang resignation.

Dagdag pa nito na sa Facebook lang nag-resign si Bautista at walang formal na resignation letter.

Hindi rin aniya irrevocable ang resignation na maaari niyang bawiin sa anumang oras niya gustohin.
Previous
Next Post »