WATCH| Trillanes kakasuhan ng libel sina , Tulfo ,Uson




MANILA, Philippines- Nakatakdang kasuhan ni Sen Antonio Trillanes IV sina Communication Assistant Secretary Mocha Uson, at ang mamamahayag na si Erwin Tulfo at isa pang personalidad na nasa likod ng social media post na nagpapakalat umano na mga fake news.

“Kakasuhan ko sila ng libel. Hindi na pu-pwede ‘yung fake news. The era of fake news is over. Itong Duterte administration nanalo kayo sa fake news. Pero ngayon hindi na pwede ‘yun,” pahayag ni Trillanes ngayong Lunes.

Tinukoy ni Trillanes ang Mr.Ben Tesiorna na maaaring madamay sa kasong libel bukod kina Tulfo at Uson.

“Hahabulin at hahabulin ko kayo every time,” dagdag ng senador na kilalang kritiko ng pangulo.


Si Tesiorna ang nasa likod ng Facebook page na Davao Breaking News-2 na nagpakalat sa social media ng bank accounts umano ni Trillanes sa ibang bansa. isang contributor ng CNN Philipiines sa Davao si Tesiorna.



Itinanggi naman ni Trillanes ang mga umano'y pekeng bank accounts base sa kanilang pagsisiyasat

Upang patunayang mga peke ito . ibinigay ni Trillanes ang 12bank secrecy waivers sa Anti-Money Laundering Council.

WATCH HERE:

SOURCE: philstar
Previous
Next Post »