WATCH: Sen. Antonio Trillanes, kinasuhan na si Asec. Mocha Uson sa Ombudsman

Manila,Philippines - Si Senator Antonio Trillanes ay pormal nang nagsampa ng kasong administratibo at kriminal sa Ombudsman ,laban kay PCO Assistant Secretary Mocha Uson dahil sa pagpapakalat umano nito ng mga 'Fake news'.

Bago pa ito, Matagal ng binalaan ni Senator Antonia Trillanes si  Asec. Mocha  na kakasuhan niya ito ng libel sa pagpopost ng mga litrato sa kanyang social media account tungkol sa umanoy bank account niya sa Singapore.

“Hindi na pu-pwede ‘yung fake news. The era of fake news is over. Itong Duterte administration nanalo kayo sa fake news. Pero ngayon hindi na pwede ‘yun… hahabulin at hahabulin ko kayo every time,” sabi ni Trillanes.


Matatandaang , Nagpunta si Senator Trillanes sa singapore, para magpunta sa mga nasabing bangko at para mapatunayan na hindi mga nag-e-exist ang mga nasabing bank accounts.

Inamin naman ni Pangulong Duterte sa kanyang pahayag, na inimbento niya lang o gawa-gawa lang niya ang mga nasabing accounts.

WATCH HERE:

SOURCE:NEWS5

Previous
Next Post »