WATCH| Bagong ebidensya Laban kay Sen. Trillanes, inilabas ni Pangulong Duterte

MANILA, Philippines –  Nilabas na ni Pangulong Rodrigo Duterte  ang panibagong dokumento na magpapatotoo na mayroong mga bank account si Senador Antonio Trillanes IV sa ibang bansa.

Sa kanyang panayam sa PTV4,  Sinabi ng Pangulong Duterte na sinara na ni Trillanes ang mga kontrobersyal na bank accounts sa Singapore noong September 8, ilang araw  bago siya pumunta doon kasama ang media.
Ipinakita ni Pangulong Duterte ang mga International transfer na nagpapadala ng pera kay Trillanes, inisa-isa rin ni Duterte kung kani-kanino niya inilipat ang mga pera . Lumabas na simula June 2015 hanggang April 2017, mayroon nang fund transfer si Trillanes sa account nina Robert Fong at Fabian Go.
Ayon pa sa pangulo, sinadya daw na  maliit ang mga  halaga na  inilipat na pera para hindi raw makita ng money laundering council.

“Maliliit lang eh. Kasi kung iisahin mong account ‘yan, aabot yan dun sa limit na kailangan tanungin ka kung saan mo nakuha ang pera,” sabi ni Duterte.

Maaaring sa mga perang ito raw nakukuha ni Trillanes ang pondo para pabagsakin ang gobyerno.

“Based on analysis, the funds being laundered by Trillanes and his group may not be for their personal use but rather it is being used for their cause and possibly to destabilize government by paying for witnesses and funding destabilization operations.”



WATCH HERE :


Previous
Next Post »