WATCH: 40 bilyong piso, ilalaan para sa Free Collage Education sa 2018

40 bilyong piso ang pondong inilaan ng House of Representatives para sa pagpapatupad ng free college education sa taong 2018.

Ayon kay Rep.Karlo Nograles na isang Appropriations Committee Chairman,ang 30 bilyon na kabuuang halaga ay hinatak mula sa pondo ng school building programs ng Departmend of Education (Dep-Ed).

Ani Nograles, may mga proyektong may problema pa sa lote o wala pang pagtatayuan kaya ilalaan muna ito sa libreng tuition sa mahigit 100 state colleges and universities (SUCs).


Samantala, 6 na bilyon naman ang hinatak mula sa scholarship programs ng Commission on Higher Education, 3 bilyon sa Department of Transportation at 1 bilyong piso naman sa Department of Information and Communications Technology.

Covered ng pondo ang tuition at miscellaneous fees sa lahat ng accredited SUCs ng CHED maging ang mga technical at vocational education sa mga eskwelahang hawak ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ayon kay Nograles.


Ginawa ng appropriations committee ang realignments bago isapinal ang bersyon ng KAMARA sa proposed 3.8 trilyong pisong pambansang budget.

Umaasa ang mambabatas na maaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa ang budget outlay sa Martes o Miyerkules para maipasa na sa Senado.

Nais ng mga mambabatas na mapapirmahan ng pangulo ang budget bago o mismong sa November 15 upang maging ganap nang batas.

WATCH HERE:


SOURCE radyo.inquirer

Previous
Next Post »