Sen. Hontiveros, Kinasuhan Ng Kidnapping,At Wiretapping


MANILA, Philippines – Nagsampa na ng criminal complaint ang Volunteer Against Crime and Corruption (VACC) sa Ombudsman laban kay Senator Risa Hontiveros.

Pinangunahan ni dating Negros Oriental representative Jacinto “Jing” Paras ang paghahain ng mga kasong obstruction of justice, kidnapping at three counts of wiretapping .

Ang reklamong obstruction of justice at kidnapping naman ay konektado sa naging hakbang daw ng senadora na ilagay sa kanyang sariling kustodiya ang mga testigo sa pagkamatay ni delos Santos kung saan pinigilan umano ni Hontiveros ang mga ito na mabigay ng testimonya sa Public Attorney’s Office.

Ang alegasyon naman tungkol sa wiretapping ay may koneksyon sa litratong nakunan habang nagpapadala si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ng text messages habang dinidinig ang ang kaso sa pagkamatay ni Kian delos Santos noong Setyembre 5. Ipinakita ni Hontiveros ang nasabing litrato noong Setyembre 11 sa kanyang privilege speech.

Sa nasabing litratong inilabas, makikita na si Aguirre ay nagtetext sa isang Cong. Jing at sinasabing “Naturuan na ni Hontiveros ang testigo”.


Ayon naman sa inilabas na statement ni Hontiveros tungkol sa isyu, sinabi niyang ang mga kasong isinampa ng VACC na umano’y grupo ni Aguirre ay isang desperadong hakbang para mailihis ang atensiyon ng publiko.

“The cases filed by Justice Secretary Vitaliano Aguirre’s group is a desperate attempt to deflect public attention away from their (VACC’s Paras and the DOJ chief’s) text conversation inadvertently captured by someone’s camera lens, which caught them red-handed plotting against me during a Senate hearing inside the Senate,” sabi ni Hontiveros.

“This confirms the conspiracy hatched by Secretary Aguirre and his VACC to ‘expedite’ the filing of cases against me. It also confirms that the “Cong. Jing” whom Secretary Aguirre was texting was former Representative Jacinto Paras,” dagdag pa ni Hontiveros.

“Bistong-bisto na, buking na buking na, nagpapalusot pa. Nais pa magtago sa likod ng mga walang batayang kaso,” giit pa niya.

SOURCE:NEWS5

Previous
Next Post »