SAPUL SA CCTV: Pulis, pinagsasaksak ng aarestuhing lalaki


Nakuhanan sa CCTV ang pananaksak ng isang lalaki sa pulis na aaresto dapat sa kaniya. Patay ang lalaki matapos mabaril ng pulis.

Sa kuha ng CCTV nitong Linggo ng umaga, Setyembre 17, makikita si Cesar Ariola na naglalakad sa may eskinita sa Barangay 146, Bagong Barrio, Caloocan.

Si Cesar Ariola ay Sinusundan ni PO1 Ronald Anicete na nakasiblyan .

Tinawag ni PO1 Anicete si Ariola. Tinutakan din ito ng baril ng Anicete si Ariola

Pero agad agad bumunot si Ariola ng kanyang dalang patalim at pinagsasaksak ang pulis

Gumanti na ang pulis at napaputok ng baril.

Dead on the spot si Ariola.


Isinugod naman agad  sa ospital si PO1 Ronald  Anicete na nagtamo ng mga saksak sa katawan.

Ayon sa barangay, ini-report ng ilang residente si Ariola sa mga pulis dahil sa takot. Gumagala umano kasi siyang may dalang baril.

Dating karpintero si Ariola na kilala umanong gumagamit ng droga at nasa watchlist ng barangay.

Pinasusuko umano ng pulis na si PO1 Ronald Anicete si Ariola nang bigla siyang habulin ng patalim at pinagsasaksak.

Stable na ang kalagayan ngayon ni Anicete na nagpapagaling na sa ospital.
WATCH HERE:
Previous
Next Post »