Pres. Duterte, pwede raw palawigin ang termino para maisulong ng maayos ang pederalismo sa bansa

MANILA, Philippines – Extension ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pinaka  nakikitang sagot ni Centrist Democracy Political Institute President Lito Monico Lorenzana para raw maisulong ng maayos ang pederalismo.

Ito ang suhestiyon ni Lorenzana kasabay ng paglalahad niya sa media kung ano ang dapat gawin para sa ‘federalism government.’

Ayon kay Lorenzana, matatapos na sa 2022 ang termino ni Pangulong Duterte pero pwede siyang bumaba sa 2025 para sa transition. Nasa pangulo pa din naman daw ang desisyon kung ito ang gagawin niya. Naisip lang daw kasi nila na siya lang ang tanging pangulo na sumuporta sa pederalismo.

Maari raw hatiin sa labing-isang estado ang bansa bukod pa ang Bangsamoro State dahil mauuna na ito. Sa pederalismo, pagsasamahin daw ang kapangyarihan ng executive at legislative, walang term limit ang prime minister para pwedeng tanggalin kahit anong oras at ang presidente naman ay limang taon ang termino.

Giit naman ni Lorenzana, ang lahat ng ito ay suhestiyon pa lang at hindi pa rin daw nila ito naipiprinsinta sa pangulo.


Ang Centrist Democracy Political Institute (CDPI) ay isang politically oriented non-government organization nagbibigay ng makagitnang demokratikong konsepto at pag-aaral sa maayos na pamamahala sa mga Pilipino sa buong mundo.

SOURCE: news5

Previous
Next Post »