Pres. Duterte, Bumilib kay PO1 Ronald Anicete "Saludo Ako sayo"


MANILA,Philippines- Pangulong Rodrigo Duterte Dumipensa sa  mga kumento ng mga ilan na umaabuso sa mga pulis dahil handa raw i-abswelto ang mga ito sakaling makagawa ng mga krimen.
“No, I said that, “I will protect you if the crime you are charged of is in connection with the performance of your duty or duty connected.” But sinabi ko, “I will slaughter you if you commit common crime,” sabi ng panguloNabanggit ng Pangulo na mayroon daw mga general na sangkot sa droga at hanggang ngayon ay hindi pa din sumusuko ang mga ito

“‘Yun ‘yung nagdala sa droga dito, ‘yung mga generals na pulis, kasi it’s hard to pin them now. You have to catch them holding the — itong mga… mga scalawags na pinadala ko doon sa Basilan. Hindi naman tayo nauubusan. Alam nila na I will not condone, permit, allow abuso. And makita mo lang sa Davao, walang pulis na umaabuso kasi binubugbog ko talaga harap-harapan,” sabi ni Duterte.

“May mga g*** talaga na abusado. Grabe ang kaso ng abuso ng pulis sa Maynila. Wala kang makitang masyadong abuso sa probinsya. Hindi ‘yan totoo,” dagdag pa ni Duterte.


Ang proteksyon na magagawa lang ni Pangulong Duterte ay tanging pagbibigay ng abogado tuwing may masasangkot sa krimen.

“Pinoprotektahan ko ‘yan. Ang protektahan ko lang ang pinakamalayo niyan is magbigay ako ng abogado to protect his legal rights,” sabi ni Duterte.

Sa ipinikita ng Pulis-Caloocan na si PO1 Ronald Anicete na sugatan matapos manlaban ang drug suspect na si Cesar Ariola sa Caloocan. Pinagsasaksak ni Ariola ang PO1 Anicete. akmang dadamputin muli ang kutsilyo , nagpaputok na ang ka-buddy ni Anicete. Bumilib si Pangulong Duterte sa ipinakita ng pulis.

Binabalak ni Pangulong Duterte na bigyan ng medalya si Anicete kung bumuti na daw ang kalagayan nito.

“Alam niya mamamatay na siya pero ginaganun pa rin niya. Marami siyang tama pero hindi ‘yung fatal. ‘Yung natumba na siya, alam niya na gaganunin ka lang, binaril niya. ‘Yun. Bilib ako sa pulis na ‘yun. Sundin ninyo ‘yan. Subukan ninyo mag… lalo na may mga g***** pulis. Hindi ‘yung kaduwagan. Saludo ako sa pulis na ‘yun,” sabi ni Duterte.


“Basta itong drugs, organized crime. I’m sorry to say it, but ‘yung producer, distributor, pati ‘yung peddler, they are part of the organized crime. And the law says, pagka organized crime kayo, it is a really a conspiracy… Kung anong kasalanan nitong nagluluto, ‘yun rin ang kasalanan mo. Kung ano kabigat ang parusa nitong nagluluto, ‘yun rin ang… Kung death penalty pa sana ‘yun, death penalty ka rin dito. So sino ‘yung tinatamaan, mayaman o mahirap, I’m really very sorry,” sabi ni Duterte.
SOURCE: news5
Previous
Next Post »