Mga "hakot" na sakay ng 6 na Barko, mino-monitor na ng PNP


Philippine National Police (PNP) beneripika ngayon ang ulat na may anim na barko mula sa visayas at Mindanao ang inarkila para sakyan ng mga sasama sa kanilang kilos protesta bukas.

Ayon kay Dela Rosa, pinapabantayan na nila ang mga barko na umano'y inupahan ng mga kritiko ng administrasyon .

Batid aniya na mahihirapan silang makakuha sa Luzon kaya mga taga Visayas at Mindanao ang kanilang kinumbinsi na sumama sa National Day of Protest.

"We don't want a repeat of what happened in kidapawan na na-instigate yung tropa tapos nagkaputukan , yun ang ating binabantayan talaga." Sabi ni Dela Rosa

Hindi din Inalis ni Dela Rosa ang posibilidad na may sumamang kasapi ng New People's Army sa barko na dapat nilang mabantay ng maiigi.

SOURCE: abs-cbn.com

Previous
Next Post »