‘MASS MURDERER’ | Pres. Duterte, binanatan ng maaanghang na salita ni Sen. De Lima


MANILA, Philippines – Binsagan ni Senator Leila De Lima na ‘mass murderer’ si Pangulong Duterte dahil sa tumataas na bilang ng mga napapatay dahil sa kampanya nito kontra iligal na droga.


“He’s instigating all these killings so I call him mass murderer,” sabi ni De Lima sa panayam ng News5.

Nanawagan din si De Lima na muling buksan ang imbestigayson ng Senado tungkol sa extrajudicial killings.

“Dapat magkaisa [ang] mga senador na imbestigahang maigi ang patayan. Hinahamon ko sila [na] ire-open ang ejk probe at this time around seryosohin nila, huwag nilang i-whitewash,” giit ni De Lima.

Suportado naman ni De Lima si Senator Antonio Trillanes IV na gustong patalsikin si Senator Richard Gordon bilang Blue Ribbon Committee Chairman dahil inabsuwelto umano nito si Pangulong Duterte sa imbestigasyon ng ejk. Naniniwala rin siyang may kinikilingan si Gordon.


“Sunud-sunod ang mga high profile cases na iniimbestigahan ng Senate Blue Ribbon Committee, kailangan ang chairman niyan ay talagang objective [at] independent minded. Hindi yung halata na may pinapanigan,” sabi ni De Lima.

Dagdag pa ni De Lima hindi dapat binubully ng isang pangulo ang Ombudsman kung kailan iniimbestigahan na ang kanyang mga bank accounts.

“Bakit niya tatakutin ang Ombudsman? Independent institution yan, hindi niya dapat yan binubully… napapakialaman mo ang trabaho at mandato ng isang independent institution, let them do their job,” sabi ni De Lima.

Sa huli, hinamon ni De Lima sina Pangulong Rodrigo Duterte at ang anak nitong si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte na pumirma ng waiver kung wala raw talagang itinatago.

“Kung wala ka [Digong] itinatago, kung hindi ka corrupt, sign the waiver. Now, kung hindi ka [Paolo] member ng triad, ipakita mo tattoo [mo],” hamon ni De Lima.

SOURCE: NEWS5
Previous
Next Post »