LOOK| Pres, Duterte to PNP " Sinasabotahe tayo"



Digos, Davao del Sur- Matapos ang sunod-sunod na pagpatay sa mga menor de edad sa Maynila, Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na may sumasabotahe daw sa Philippine National Police (PNP)

“Nandito si PNP Chief [Ronald dela Rosa].  Silipin mong mabuti kasi sinasabotahe kayo.  Sinasadya talaga ‘yan.  Alam mo ang police, magbaril yan, if at all – o sabihin mo extrajudicial pero hindi magbalot. That is not the job of a police na magbalot.  So mayroong nagsasabotahe,” sabi ni Duterte.
Sa kanyang talumpati kanina sa Digos city,Sinabi ni Pangulo Duterte na kamag-anak niya ang isa sa mga napatay na dating Up student na si Carl Angelo Arnaiz ,kaya posible daw na merong ilang personalidad na sumisira sa war on drugs .

“Isa dyan sa pinatay, relative ko… Si Carl Arnaiz. Kamag-anak ko ‘yan. Kung gusto niyong malaman. Ako? Papayag ba ako na patayin kamag-anak ko?” sabi ni Duterte.

Muling Binanatan Ni Pangulong Duterte si Sen, Trillanes na Duwag ito... payo niya sa mga pulis at sundalo na ,sakaling bastusin sila ng senador Senate hearing,hamunin nila ito ng barilan

“‘Yang style ni Trillanes, ‘wag kayong pumayag. ‘Pag ganun, tindigan ninyo. P******** ka lumabas ka diyan. Draw tayo. Hambugero [Mayabang]. Talawan man na! [Duwag naman ‘yan!],” sabi ni Duterte.

Ipinaliwanag din niya kung kailan maaaring mang-aresto ang isang pulis kahit walang dalang warrant.

Muli rin niyang iginiit na walang mangyayaring peace talks sa CPP-NPA at hangga't hindi sila nagdedeklara ng cease fire. kung susuko naman ang mga rebelde, gagawin niya itong mga sundalo.

muli naman nagbabala si Pangulong Duterte laban sa mga corrupt na opisyal ng gobyerno. nagbigay din siya ng deadline sa ilang mga cabinet secretaries na ayusin ang kanilang performance sa administrasyon.

muli din niyang iginiit ng pangulo na sa gitna ng giyera sa Marawi. ang mga mosque ay hindi pupunteryahin ng mga sundalo dahil bukod sa posibleng nandun ang mga hostages at magdudulot ito ng galit sa mga Muslim

SOURCE:TV5

Previous
Next Post »