LOOK: kasong isasampa laban kay PNoy , Uumpisahan na

Manila, Philippines- Ang Ombudsman ay binasura ang motion for reconsideration na inihain ng dating Pangulo Benigno Aquino III kaugnay sa trahedya sa Mamasapano.
Tuloy ang pagharap ni Aquino sa mga kasong Usurpation of Authority at paglabag sa Section 3 (a) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act (Republic Act No. 3019). kasama bilang kanyang mga conspirators sina PNP Chief Alan Purisima at ang Special Action Force (SAF) Director Getulio Napeñas.

Matatandaang noong Enero 24, 2015, halos 400 na myembro ng PNP-SAF ang sumabak sa ‘Oplan Exodus’ upang arestuhin ang mga bomb makers na sina Malaysian terrorist Zulkifli Bin Hir alyas Marwan at si Abdul Basit Usman na nagkukuta sa Mamasapano, Maguindanao. Naipit ang SAF troopers nang makipagpalitan ng putok ang kampo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at Moro Islamic Liberation Front (MILF). Tumagal ng ilang oras ang bakbakan, 44 na SAF troopers ang namatay.

Hinayaan ni Aquino na maghimasok ang noo'y PNP Chief Alan Purisima sa operasyon kahit suspended ito ng mga panahong iyon.
“That President Aquino utilized the services of the preventively suspended Purisima, prior to and during the implementation, thereby giving Purisima an active role in Oplan Exodus as he was exercising a degree of authority and discretion over Napeñas, is the crux of the finding of probable cause against President Aquino,” sabi ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales.
Ayon sa Korte Suprema , sinumang suspended ay hindi na dapat nakikialam o pahintulutang magtrabaho at tumanggap ng sahod
“In all cases of preventive suspension, the suspended official is barred from performing the functions of his office and does not receive salary in the meanwhile.”
ang Usurpation of Official Functions ay may parusang pagkakakulong ng anim na buwan hanggang apat na taon habang ang kasong graft naman ay pagkakakulong ng anim hanggang labinglimang taon.Ayon sa Ombudsman,

SOURCE:news5
Previous
Next Post »