Look| Inaprubahan na sa Kamara ang P1,000 budget para sa CHR


Manila,Philippines- P1,000 Budget na para sa Commission on Human Rights para sa 2018 Inaprubahan na sa Kamara.

Nagsagawa ng nominal voting , 119 na mambabatas ang pinaboran ang mosyon ni 1-Sagip partylist Rep. Rodante Marcoleta na bigyan lamang ng P1,000 na budjet ang CHR habang 32 naman na mambabatas ang tumutol dito.

Unang ginawa ang botohon sa pamamagitan ng viva voce. Ayon sa karamihan ng mambabatas, ang malakas na sigaw ay "Nay" o 'yung hindi pumabor pero ang inanunsyo ni Deputy Speaker Eric Singson ay "Ayes" o pabot ang nanalo, kaya ginawang nominal ang botohan.

Ayon kay Marcoleta, nabigo ang CHR na umaksyon sa mga paglabag na ginawa ng Abu Sayyaf at Maute group.

Sabi naman ni Albay Rep. Edcel Lagman, hindi sakop ng CHR ang mga paglabag na ginagawa ng mga rebeldeng grupo." The gentleman(Marcoleta) has failed to distinguish the difference between common crimes and violation of human rights. Not all killings and abductions are considered human rights violations,"sabi ni Lagman.


Labag daw sa konstitusyon ang paglaan ng P1,000 annual budget sa komisyon. “Emasculating and killing the CHR with an annual budget of P1,000 is unconstitutional because it virtually abolishes a constitutional office by legislative fiat,” dagdag ni Lagman.

Matatandaan na inihayag ni House Speaker Pataleon Alvares noong Agosto na kung siya daw ang ang tatanongin o magpapasya, hindi niya bibigyan ng budjet ang CHR.

Samantala, Kahapon palang inaprubahan na ng Senate Committee on Finance ang P678 million na 2018 budget para sa CHR, mas mababa ito sa P749 million budget nila ngayong taon.

Ang naging desisyon ng Kamara ay pag-uusapan pa sa Senado, at saka pagkakasunduan ang pinal na budjet para sa CHR sa isang bicameral conference committee

Target sana ng CHR na maaprubahan ang hiling na P649.48million na budjet para sa 2018.

Ang mga sumusunod ay ang mga natukoy sa video na ilang mambabatas na bumotong hindi pabor sa P1,000 budget para sa CHR:

  • Rep. Bai Sandra Sema
  • Rep. Kaka Bag-ao
  • Rep. Lawrence Fortun
  • Rep. Wildredo Caminero
  • Rep. Ramon Rocamora
  • Rep. Gabriel Bordado
  • Rep. Tom Villarin
  • Rep. Emmanuel Billones
  • Rep. Jorge Banal
  • Rep. France Castro
  • Rep. Manuel Zubiri
  • Rep. Emmi De Jesus
  • Rep. Kit Belmonte
  • Rep. Lito Atienza
  • Rep. Carlos Zarate
  • Rep. Sarah Jane Elago
  • Rep. Gary Alejano
  • Rep. Ariel Casilao
  • Rep. Arlene Brosas
  • Rep. Antonio Tinio
  • Rep. Raul Del Mar
  • Rep. Edcel Lagman
  • Rep. Raul Daza
  • Rep. Jocelyn Limkaichong
SOURCE: tv5


Previous
Next Post »