‘I HOPE TO RETIRE’ | Pres. Duterte: Kung nanalo lang si Cayetano, ‘yung running mate ko, nag-retire na ako

MANILA, Philippines- Umamin si Pangulong Rodrigo Duterte na matagal na niya sanang gustong magretiro pero tila hindi pa umaayon sa kanya ang panahon.

“Ako, I’m 72. I hope to retire, gusto ko na ngang magresign, sa totoo lang. Kung nanalo lang si Cayetano, ‘yung running mate ko, nag-retire na ako eh. Gusto ko lang tapusin itong drugs pati corruption,” sabi ni Duterte.

Ilang ulit din sinabi ni Pangulong Duterte na handa naman siyang magbitiw kung nararamdaman niyang wala nang tiwala sa kanya ang publiko.

Tutol naman dito si House Speaker Pantaleon Alvarez. Kailangan daw munang tapusin ni Duterte ang kanyang termino dahil ito ay kanyang kontrata para sa mamamayang Pilipino.

Kailangang aprubado pa ito ng Kongreso at militar. dagdag ni Alvarez

“Gawin niya ang trabaho niya, tapusin niya because the people entrusted him with the position. Mayroong contract with the people. Tapusin natin yung kontrata sa sambayanan,” sabi ni Alvarez.


Ayon pa kay Alvarez, posibleng nasabi lang iyon ng ating pangulo dahil hindi pa rin niya napagtatagumpayan ang pangakong pagbabago para sa mamayang Pilipino.

Previous
Next Post »