HAMON KAY DUTERTE| Rep. Alejano: Sign the waiver o resign

Partylist Rep. Gary Alejano , ikinatuwa ang imbestigasyon ng Ombudsman kaugnay sa umanoy tagong yaman ni Pres, Duterte.

Sinabi ni Alejano  sa kanyang statement  na patunay daw ito na totoo ang mga alegasyon ni Sen. Antonio Trillanes laban sa Pangulong Duterte.
Naniniwala si Alejano na maraming tagong yaman si Duterte. isa-isa na raw lumalabas ang kasinungalingan ng Pangulo
Kaya hinamon niya si Pangulong  Duterte na  pumirma ng waiver o mag-resign sa puwesto.

Matatandaan na sinabi ni Deputy Ombudsman Arthur Carandang na may sapat na basehan ang alegasyon ni Sen. Trillanes.

May nakuha raw silang dokumento mula sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) kung saan makikita ang ilang bank transaction ng Pamilya Duterte.

Hindi pa raw nila masabi ang halaga ng laman ng bank account pero aabout daw sa milyon ang transaction ng pamilya ng Pangulo.

SOURCE: news5
Previous
Next Post »