Sen, Trillanes IV to Faeldon : “Alam mo, silence means yes… sumagot ka or else…”





Manila, philippines - Muling binanatan ni Sen, Richard Gordon sa pagdinig ang Senado ang mga kababayaan at kapalpakan at korapsyon sa Bureau of Customs (BOC) dahilan para makalusot ang P6.4-B shabu shipment mula China. Sa simula pa lang ng hearing , nagkakagirian na sina Sen. Antonio Trillanes IV at BOC Comm Nicanor Faeldon

Pinuna din ni Sen, Gordon ang tila hindi pakikipag-ugnayan ng BOC at Bureau of Internal Revenue (BIR) dahilan ng paglala lalo ng korapsyon sa pangongolekta ng kanilang mga buwis.

Dito na nagsimula si Sen. Trillanes IV na tanongin si Customs Comm. Faeldon kung merong Korapsyon Sa BOC.

Ilang beses tinanggihan ni Faeldon sa pagsagot sa tanong ni Sen. Trillanes. Wala na raw kasing saysay na magpaliwanag gayong ang dami nang ibinintang ni Sen. Trillanes sa kanya

Sen. Trillanes to Faeldon: “Alam mo silence means yes.”

Faeldon to Gordon: “If you would allow me your honor, he (Trillanes) already made allegations that I’m at the center of the shabu smuggling, it is really baseless for me to answer his questions”

Tinabla ito ni Sen. Trillanes mali ng pagkakaintindi si Faeldon sa mga naging pahayag nya

Sen. Trillanes: “Faeldon failed to read properly what I said, I said he was at the heart of the controversy”

Nagmamatigas pa din si Faeldon kaya nagbanta na si Sen. Trillanes.

Sen. Trillanes: “During the campaign ikaw ‘yung nagbibida-bida ng allegations, tinatanong kita kung may corruption sa BOC, sumagot ka or else I will move to cite you in contempt.”

Gumitna naman si Sen. Gordon sa dalawa at pinakiusapan si Faeldon na sagutin ang mga tanong ni Sen. Trillanes. Pinayuhan niya rin ang dalawa na huwag idamay ang Senate hearing sa kanilang personal na away.

Sen. Gordon: “There may be something between you ni Sen. Trillanes at kung kayo’y may alitan ‘wag niyo dalhin dito. Nakikiusap ako sa’yo (Faeldon) sagutin mo, I will be patient, I promise not to raise my voice today”

Bukas daw si Faeldon na sagutin ang tanong ng sinuman sa Senado maliban kay Sen. Trillanes. Ayaw daw niyang patulan ang mga alegasyon nito lalo na’t marami nang nadamay dahil sa anomalya sa BOC.

Faeldon: “There are so many innocent families who have been affected by this controversy.”


Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagdinig ng Senado sa isyu.

SOURCE: TV5
Previous
Next Post »