Mga Armas ng 40 Barangay Chairman Isinuko na kay Police Chief Inspector Espenido,



OZAMIZ CITY, Misamis Occidental – 40 Barangay Chairman na pawang mga kaalyado sa negosyo umano ni Mayor Reynaldo “Aldong” Parojinog nagsuko ng kanilang mga armas kay Police Chief Inspector Jovie Espenido. Ito ay dahil sa binigay ni Espenido ng ultimatum noong Linggo.





Mahigit Dalawang Daang Armas ang isinuko ng mga Barangay Chairman sa mga otoridad na karamihan ay mga short at long fire arms at mga bala

Ayon kay Espenido, ang mga baril ng mga Barangay Chairman ay binigay ni Mayor Reynaldo Parojinog.Ipinapatago daw ito upang hindi makita ng mga otoridad kapag nagsagawa ng raid sa kanilang bahay at para hindi daw malaman ang mga ginagawang iligal.

"According sa isiniwalat ng tao nila, lahat ng dinispose na baril ay binigay sa mga tao nila para kung may tatrabahuhin eh ikaw na ang magtatrabaho doon" sinabi ni Espenido

Isa sa daw sa kasunduan ng mga Barangay Chairman ay hindi na sila isasama ni Espenido sa kanilang mga raid at hindi na rin kakasuhan ang mga ito.


"Mayor Parojinog Mansyon"

Bigla namang dinalaw ng Ozamiz PNP ang dating mansyon ni Mayor parojinog sa Bacakay, Ozamiz City na ipinagiba ng maupo sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte


"As if namang hindi sila mayaman, bumalik na sa kanilang bahay na maliit para siguro.. eh alam ng lahat na involved sila sa drugs," Espenido said

Ngayon lang daw nakapasok sa lugar na ito , dahil dati daw itong guwardiyado ng private army. dito din binabagsak ang mga ilagal na droga at taguan ng mga armas






Nagsisilbing libingan din umano ang mansyon ng mga kumakalaban samga parojinog sa kanilang negosyo , Ginagawa din itong meeting place ng mga parojinog sa tuwing mayroon daw highway robbery at kidnapping na gagawin .

Sinabi ni Espenido na ipapahukay nya ang ginibang mansyon , " hinahanap nga natin ngayon kung saan ba ito inilibing" Espenido said

SOURCE:NEWS5
Previous
Next Post »