Look: Kamatayan ni Kian Delos Santos, hinalintulad sa kamatayan ni hesukristo


Manila, Philippines - Hinalintulad ni Caloocan Archbishop Pablo David ang panginoong Hesukristo na pinako sa krus ng walang kasalanan at ang kamatayan ni kian Loyd delos Santos na dinapot ng ng mga pulis ng walang kasalanan at pinatay din ng walang kalaban-laban dahil lang sa giyera sa ilegal na droga ng Administration ni Duterte.

Nagsermon si Archbishop David at binigyan diin na hindi nag-iisa sa mga inosenteng nadamay si kian at hindi nag-iisa ang mga naulilang ama at ina ni kian na sina Lorenza at Zaldy Delos Santos,dahil madami daw mga kabataan ang mga dinukot at pinatay sa ibat ibang lugar sa CAMANAVA Area na mga naka-bonet na mga suspek

Sinabi ni Archbishop David na magsilbi sana itong leksyon o magsilbing aral sa ating gobyerno, ang mga patayan na nangyayari sa ating bansa ay dapat ng tigilan na at huling biktima na si Kian, dahil wala naman itong nadudulot na mabuti para mapaganda ang ating bansa.

Sinabi ni Bishop David na ang nakatala sa bibliya ang john 3:16 kung saan ganun nalamang ang pagmamahal ng ama sa buong sanlibutan kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na anak upang iligtas ang sanlibutan.

Ang langit ay nakikiisa sa paghatid sa huling hantungan kay kian Delos Santos, dahil pinatay umano ang grade 11 student na si kian ng walang kalaban laban. dagdag ni Bishop David

Hinamon naman ni Bishop David ang mga naging biktima ng EJK na magpakita o lumantad na din at sabihin sa publiko ang lahat , at huwag matakot na sabihin sa publiko upang malaman ang buong katotohanan
Previous
Next Post »