Comelec Chairman Bautista, Sinampahan na ng Impeachment Complaint



Manila,Philippines - Sinampahan ng impeachment complaint ang grupo ng Violence Against Crime and Corruption(VACC) Laban kay Commissions on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista sa kasong paglabag sa Constitution at betrayal of public trust

Ang paghahain ng reklamo , ay pinangunahan ni VACC legal counsel Ferdinand Topacio at dating Negros Oriental Rep. Jacinto Paras.

Inendorso naman ito ni Cebu 3rd District Re. Gwen Garcia, Tagaytay 7th District Rep. Abraham Tolentino at Harry Roque

Isiniwalat ito ni Patricia Bautista , misis ni Andres Bautista, na mayroon daw itong tagong yaman na P1 bilyong .

Agad -agad naman itong tinanggi ni Andres at sinabi niya na kaya niya itong ipaliwanag ang lahat ng detalye tungkol sa Statement of Assets and Liabilities and Net Worth

Base sa isinumiteng affidavit ng misis ni Bautista , may 35 accounts si Andres sa Luzon Development Bank na sinisilip Ngayon ng senado kung may mga paglabag ba sa Anti-Money Laundering Act. Hinihikayat na rin ngayong ng mga senador na pumirma si Andres ng bank waiver para malayang mabuksan kanyang bank account.
Previous
Next Post »